Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bentahan ng palay hinirit na P21 kada kilo

0 159

Nanawagan ang Samahang Industriya ng Agrikultura sa administrasyong Duterte na itakda ang support price ng palay sa P21 per kilo ngayong mag-uumpisa na ulit ang anihan.

Sabi ni SINAG chairperson Rosendo So, nagmahal na ng P5 kada kilo ang gastos ng mga magsasaka sa produksyon ng palay na nasa P19 per kilo na mula sa P14 hanggang P15 per kilo noong 2021.

Malaki rin aniya ang epekto ng taas-presyo ng petrolyo sa mga

SM SuperKidsDay Banner Ad

magbababoy, magmamanok at mangingisda dahil gumagamit ang mga ito ng transportasyon para sa kanilang mga produkto gayundin ng mga fertilizer at iba pang kagamitan sa pagsasaka na gumagamit ng langis o krudo.

Hiling ng SINAG na bilhin ng National Food Authority (NFA) ang palay sa mga magsasaka ng P21 per kilo ngayong panahon ng anihan para kumita naman sila dahil tatabla lang o break even kung P19 per kilo ito bibilhin sa kanila. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.