Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bentahan ng paputok sa Bocaue lugi

0 72

Malungkot ang mga negosyante ng paputok sa Bocaue, Bulacan dahil sa matumal na bentahan ng kanilang produkto bago ang bisperas ng Pasko.

Sinabi ni Lea Alapide, presidente ng Bocaue Fireworks Association, halos mabibilang sa daliri ang bumibili ng paninda nilang paputok dahil sa agam-agam kaugnay sa ipinalabas na pagbabawal ng mga lokal na opisyal sa paggamit ng paputok, partikular ang mga alkalde sa Metro Manila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Alapide, nalilito sila sa mga lokal na opisyal dahil hindi pa naman ganap na ipinagbabawal ang paggamit ng paputok.

Katunayan aniya ay sinabi mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbibigyan ang industriya ngayong taon at pagdating ng Hunyo o Hulyo 2021 ay ikukunsidera kung tuluyang ipagbabawal ang paggawa ng mga paputok. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.