Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bentahan ng pekeng COVID bakuna binabala ng Palasyo

0 78

Winarningan ng Malacañang ang publiko na huwag kumagat sa alok na umano’y COVID vaccine na ibinenbenta sa mahal na presyo.

Kasunod ito ng nakarating na report sa Malacañang na may umiikot umanong text messages kaugnay sa ibenebentang COVID vaccine na nagkakahalaga ng P50,000 bawat isa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala pang naaprubahang bakuna para sa COVID kaya wag paniwalaan ang mga kumalakat sa text.

Mananagot aniya sa batas ang mga mahuhuling magbebenta ng bakuna na hindi aprubado ng Food and Drug Administration.

“Bawal po iyan. Mayroon pong kulong iyan, itigil nyo po yan ” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.