Abante Tonite Interactive

Bentahan ng secondhand cellphone ibabawal

0 360

Ipagbabawal na ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa Lungsod ng Maynila ang pagbebenta ng mga second hand na cellphone o yaong tinawag na GSM o ‘galing sa magnanakaw’.

Sinabi ni Moreno na gagawa ang Manila City Council ng ordinansa na magbabawal sa pagbebenta ng mga second hand cellphone, lalo na iyong mga tinatawag na GSM.

Kasabay nito, sinabi ni Moreno na maaaring ipasara niya ang Isetann mall sa Recto kung mapatunayan na nagkukubli ng mga vendor na nagbebenta ng nakaw na cellphone.

Nabatid na ang ito ay matapos umanong kausapin siya ng isang ama ng tahanan na taga-Pampanga, at ipinaabot sa kanya ang reklamo hinggil sa pag-agaw ng isang snatcher sa cellphone ng kanyang anak na nag-aaral sa isang unibersidad sa Morayta.

Ang cellphone ay natunton nila na ipinagbibili sa Isetann mall.
Sinabi ni Moreno na hindi masasawata ang mga snatcher ng cellphone kung kinakanlong sila ng ilang mga negosyante.

Matatandaan na sinalakay ni Moreno ang mga nagbebenta ng mga GSM sa ilang malls sa lungsod dahil sa mga natatanggap na sumbong mula sa mga residente.

Layunin nito na matigil ang pagnanakaw ng cellhone sa lungsod sa mga biktima na karamihan ay mga estudyante. (Juliet de Loza-Cudia)