Abante Tonite Interactive

Bernabe kinumpas ang CEU-Ateneo sa finale

222

Bitbit lang ang pitong manlalaro, nakuha ng Centro Escolar University (CEU) ang huling silya sa finals ng 9th PBA D-League 2019 sa pag-eksena ng 22 puntos at 14 rebounds ni Dave Bernabe.

Pinaluhod ng Scorpions Martes ng hapon ang may 15-man roster Saint Clare College-Virtual Reality sa do-or-die semifinals Game 3, 89-72, sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Saklolo kay Bernabe sina Senegalese big man Malick Diouf ng 14 markers at 20 boards, Kurt Sunga na may 12 pts. at 10 assists, at Rich Guinitaran na may 23 puntos.

“We didn’t expect to be here, nobody expects us to be here in the finals but with the heart [and] the desire to win ng pla­yers there is no substitute for that,” suma ni coach Frederick Pumaren.

“We were down but we were keeping it close, the only thing I told the boys [in the] halftime is that we keep it settle down.”

Magsisimula sa Huwebes, Hunyo 13 ang best-of-five finals series ng CEU at Cignal-Ateneo, 4pm sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

“For me this team is already champion dahil with all the adversities na nangyari we still made it here,” wakas niya. (Fergus E. Josue, Jr.)