Abante Tonite Interactive

Bernabe may napatunayan sa 3 termino sa Parañaque

By
236

Nanguna si dating Parañaque City Mayor Florencio ‘Jun’ Bernabe sa isinagawang malawakang online poll sa pagka-alkalde sa lungsod.

“Muli po akong nagpapasalamat sa mainit na suporta ng mga mamamayan ng Parañaque. Buong puso po akong nagpapasalamat sa inyong tiwala at boses upang mamulat din ang ating mga kapwa Parañaqueño sa mga tunay na isyu at panga­ngailangan ng ating siyudad. Asahan nyo pong handa akong muli ka­yong paglingkuran,” pahayag ni Bernabe.

Isinagawa ng Election Watch PH 2019 ang online poll sa social media na Facebook na nilahukan ng 11,000 netizen simula Oktubre 19, 2018 hanggang sa kasaluku­yan kung saan na­nguna si Bernabe ng 62% habang 38% naman ang nakuha ni incumbent Mayor Edwin Olivarez.

Ganito rin ang resulta ng isinagawa namang survey ng The Leader I Want mula Enero 2019 kung saan 67% si Ber­nabe habang 33% naman si Olivarez.

Nakasaad pa sa komento ng mga netizen na bumoto kay Bernabe na pinili nila ang dating alkalde dahil napatunayan na nila ang mahusay na pamamalakad nito kung saan natapos niya ang tatlong termino ng kanyang pa­nunungkulan.

Sa loob ng siyam na taong panunungkulan ni Bernabe, kinilala siya ng iba’t ibang mga organisasyon sa loob at labas ng bansa dahil sa kanyang malinis at ma­kabagong pamamaraan ng paglilingkod at sa ipinaabot na tulong sa kanyang mga nasasakupan.