Abante Tonite Interactive

Bernadette, Leni gustong ipangalan ni Digong sa bagyo

By
0 189

Pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng huling bagyo na nanalasa sa Bicol region.

Sinabi ng Pangulo sa ibinigay na briefing sa kanya sa Pili, Camarines Sur na kapangalan ito ng kanyang kaibigang Maranao na si Randy Usman.

Pabirong sinabi ng Pangulo na gamitin na lamang ang pangalan ng mga babae gaya ng ‘Bernadette’, ‘Leonora’ o kaya ay ‘Leni’.

“Alam mo dapat ‘yung mga bagyo huwag ninyong pangalanan ng Usman. Eh si Randy ­Usman, Maranao ‘yan eh. He is my brother in the Maranao side, Usman, Usman ang tindi niyan eh. Mga Bernadette gano’n, Leonora, Leni gano’n,” anang Pangulo.
May nagmungkahi sa Pangulo ng ‘Laila’ pero hindi nito gusto.

“Laila, no I should not take her name in vain,” dagdag pa ng Pangulo.