Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bernardino asinta mga bebot

0 120

Hangad ngayon ni Gilas Pilipinas women member Afril Bernardino na magsilbing inspirasyon sa mga babaeng basketbolista.

Ngayong isa ng sikat na basketball player, target ng 25-anyos at may taas na 5-foot-8 forward na gayahin din siya ng mga aspiring dribbler para maiwagayway ang watawat ng ‘Pinas sa mga paligsahan.

“Gusto kong gayahin ako ng mga batang kababaihan ‘yung katulad ng ginawa namin na nangarap lang din kaming magkaroon ng women’s basketball dito sa ‘Pinas,” bulalas Huwebes ng PH 2019 Southeast Asian Games double gold medalist sa 3×3 at 5×5.

Kasama rin ang dalagang hoopster sa Pinay quintet na kinipkip ang Level I sa ginanap na 28th International Basketball Federation Women’s Asia Cup 2021 sa Amman sa nakaraang buwan. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.