Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bernardino, Gilas kakapit sa Level 1

0 58

Ibubuhos ni Afril Bernardino at ng Gilas Pilipinas women’s team ang lahat ng makakaya sa 29th FIBA (International Basketball Federation) Women’s Asia Cup 2021 seventh place battle kontra India sa Prince Hamzah Hall sa Amman, Jordan Huwebes simula sa alas-7:00 nang gabi (Biyernes ng alas-12:00 nang hatinggabi sa Manila).

Wala pang panalo sa Group B ang world No. 51 Philippine quintet sa Group A na tumilapon sa No. 7 China (143-52), sa No. 3 Australia (120-56), at No. 34 Chinese Taipei (93-52).

Lumagare si Bernardino ng 24 points at 14 rebounds kontra Taiwanese Huwebes ng madaling araw.

Gayundin ang world No. 70 Indians sa Group B na mga hindi umubra kontra No. 8 Japan (136-46), No. 19 Korea (107-69) at No. 36 New Zealand (109-49).

Ang lpapapalarin ang mananatili sa Level 1, at ang luhaan ang babagsak sa Level 11. Tinagpas ng Nationals ang Indians sa battle for seventh place rin noong 2019, 92-78. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.