Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bernardino, Gilas reresbakan Australia

0 61

Ibubunton ni Afril Bernardino at ng Gilas Pilipinas women ang ngintngit sa Australia sa second game preliminaries ng 29th FIBA (International Basketball Federation) Women’s Asia Cup 2021 sa Prince Hamzah Hall sa Amman, Jordan Martes ng alas-7:00 nang gabi (Miyerkoles ng alas-12:00 nang hatinggabi sa Manila).

Lumagare ang 25-year-old, 5-foot-8 forward, two-time Southeast Asian Games champion at SEABA gold medalist, ng 17 points, 7 rebounds at tig-2 assists at steals nang tumilapon ang world No. 51 PH quintet kontra 11-time champ at world No. 7 China, 143-52, Lunes ng gabi.

Pero mala-pag-akyat sa Mt. Everest ang kinakaharap ng Nationals dahil world No. 3 ang Australians na galing sa Group B win din kontra Chinese Taipei 76-65.

“The girls really tried hard so hopefully next game (against Australia), we’ll do better,” ani coach Patrick Henry Aquino sa squad na huling umaksiyon sa PH 2019 SEA Games kumpara sa batak na Chinese na galing sa fifth place finish sa 2020+1 Tokyo Summer Olympic Games nitong August. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.