Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bernardo tatakbong Valenzuela mayor

0 83

Sa huling araw ng pagsusumite ng kandidatura, naghain ng certificate of candidacy (COC) para tumakbong mayor sa Valenzuela City si Engr. Bombet Bernardo.

Si Bernardo ang kandidato ng local party na ‘Lingkod Mamamayan ng Valenzuela’ para sa pagka-alkalde sa lungsod sa Mayo 2022 botohan.

Bago nagpa-file ng COC ay nagdaos muna ng misa sa Fatima Church ang grupo ni Bernardo bago nagpunta sa Commission on Elections (Comelec) branch sa Brgy. Malinta, Valenzuela City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Makakasama sa line-up ni Bernardo sina Barangay Karuhatan Punong Barangay Ricardo ‘Boy’ De Gula at isa sa mga city councilor nito sa 2nd district na si dating kap. Bong Ferrer ng Barangay Gen. T. De Leon.

“Ang maipagmamalaki ko lang ako ay taga-Valenzuela dahil dito ako ipinanganak at dito rin ako nakatira, mayroon akong kamag-aral dito, mga magulang, kapatid at mga kaibigan.”

Kakalabanin ng inhinyero si Valenzuela 1st District Rep. Wes Gatchalian. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.