Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bersola balik-aksiyon!

0 181

Balik na naman sa aksiyon si Premier Volleyball League star Katherine Adrielle ‘Kathy’ Bersola.

Pero hindi muna sa volleyball court bilang kundi sa isang ospital bilang frontliner.

Ito ay dahil sa mag-ju-duty na uli ang edad 25-anyos, 5-11 ang taas na dalaga sa Philippine General Hospital (PGH) sa Ermita, Manila.

SM food to go Banner Ad

Sa Instagram story ng BanKo Perlas middle blocker Martes, makikitang pa-biyahe na siya sa kabisera ng bansa mula sa kanilang probinsya para lang ituloy ang intern duty sa pagamutan.

“Sinong uuwi ng Manila para lang sa isang rotation?” sey ng former University Athletic Association of the Philippines standout mula sa UP Lady Maroon at 2017 Bachelor of Sports Science summa cum laude graduate.

Sa sumunod niyang litrato ay nakaputing uniporme na ang beteranang volleybelle para maghatid-serbisyo sa PGH. Sokpa muna kasi sa buhay medikal siya habang hindi pa nagsisimula ang liga. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.