Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bersola matinik sa mahjong

0 186

Hindi lang sa court pambato si Premier Volleyball League star Katherine Adrielle ‘Kathy’ Bersola kundi ‘talentado’ rin pagdating sa mahjong.

Ibinahagi ng edad 25, 5-11 ang taas na dalagang middle blocker Linggo sa kanyang Instagram story na game siya pagma-mahjong mula sa duty sa Philipine General Hspital sa Ermita, Manila.

“Post-duty mahjong,” pabirong caption ng isinilang sa Parañaque na balibolista kasama ang litrato ng nasabing board game.

Magandang mind game naman ito para sa kanya upang mahasa pa ang skills, strategy at luck bilang `future doktora.’

Ngayon mahigit isang taon na ang pandemya, pokus muna si Bersola sa pagiging frontliner makaraang magtapos ng medical course.

Nakahanda siyang maglaro sa Perlas Spikers sa itatakda pang petsang pagbubukas ng PVL Open Conference. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.