Abante Tonite Interactive

Bersola pinostora ang Banko Perlas kontra Adamson-Akari

By
153

Mga laro sa Miyerkoles:
(FilOil Flying V Center)
4:00 p.m. – PetroGazz vs Pocari-Air Force
6:00 p.m. – Creamline vs Tacloban

Hindi na pinaporma ng Banko Perlas ang Adamson-Akari matapos hablutin ang 25-17, 25-17, 25-18, panalo kagabi sa Premier Volleyball League Season 2 Open Conference sa FilOil Flying V Centre, san Juan.

Dominado ng Perlas Spikers ang laban kaya naman nasolo nila ang second spot ng team standings ta­ngan ang 7-2 card.

Humataw si Kathy Bersola ng 13 points para sa Banko, mula sa pitong kills, apat na service aces at dalawang blocks habang tumikada ng 10 puntos si Dzi Gervacio lahat ay galing sa spikes.

Impresibo ang ipinakitang tikas ng Perlas Spikers kahit galing sila sa mahabang pahinga.

“Coming from a break nakapahi­nga ang mga players, although, hindi naman talaga nag-break nag-ensayo pa kami and Nov. 1,” saad ni BanKo coach Dong Dela Cruz.
Dahil sa panalo, lumakas ang tsansa ng Perlas Spikers na makasampa sa Final Four.
Attachments area