Abante Tonite Interactive

Bert Nievera pumanaw na

By
3,981

NAGLULUKSA ngayong Holy Week si Martin Nievera dahil pumanaw na ang kanyang amang si Bert Nievera nitong March 27 sa Las Vegas, Nevada.

Si Martin mismo ang nag-post ng malungkot na balita sa kanyang Instagram account noong Martes ng gabi.

Nag-post si Martin ng old picture nilang mag-ama kung saan ay makikitang ginugupitan siya nito ng buhok when he was young.

“‘You gave me life, you gave me dreams, you gave me a haircut!’ I will ne­ver forget you Dad! I love you!” ang mensaheng nakalagay sa photo.

Sa caption, he wrote, “I can’t believe you’re gone. Life will never be the same again.”

Sa tweet naman ng ABS-CBN anchor/host na si MJ Felipe, organ failure due to sepsis ang ikinamatay ng ama ni Martin. He was 81.

“According to Martin Nievera, his father was declared dead at exactly 3:37am march 27 Las Vegas Nevada time at Sou­thern Hills Hospital and Medical Center. His father died due to organ failure caused by Sepsis,” tweet ni MJ.

Ini-release rin niya ang official statement ni Martin and it read: “My family and I both here in Manila and in Las Vegas are de­vastated. It all happened way too fast. The sepsis took the best of my father and caused major organs to just shut down. We are in total shock. I was with him holding his hand until he took his last breath.”

Maging ang dating asawa ni Martin na si Pops Fernandez ay nag-post din ng kanyang pakikiramay at pag-alala sa yumaong veteran singer na tinaguriang Timeless Balladeer.

“To daddy bert nievera.. my second dad… may you rest in peace… so saddened to hear this news… thank you for all the beautiful memories… condolences to the nievera family… @martinnievera @vixnievera @zdzieba,” post ni Pops.

Ang aming taus-pusong pakikiramay sa Nievera family.

Lotlot-Monching maayos ang relasyon kahit hiwalay

HINDI mapigilang ma­ging sentimental ni Lotlot de Leon sa pagtatapos ng anak nila ni Ramon Christopher na si Maxine.

Nag-post si Balot ng larawan nila ng dating asawang si Ramon Christopher kasama si Maxine at sa caption, ipinaha­yag ang pasasalamat sa magandang relasyon nila ng ex-husband kahit hiwalay na sila for the sake of their kids.

“It’s never about us..­ but always about our children. We have gone through way too much pain, arguments and misunderstandings. It wasn’t easy but we both have learned that for the sake of our children our PRIDES should always be set aside.

“Never namin pinagkait ang mga anak namin sa isa’t isa. Pagdating sa mga bata it was always a mutual decision. We are pa­rents first. Respect.

“That is why sa mga ganitong pagkakataon nagpapasalamat ako sa Dios na ginabayan nya Kame and I’m thankful that our children are where they’re supposed to be.

“I’m also very grateful to Fadi the person who God have blessed me to be with for being so loving and supportive.

Salamat, Mahal! Anak ko Maxine, we love you anak and again we are very proud of you!” ang caption ni Lotlot.

Si Fadi ang Lebanese boyfriend ni Lotlot at medyo matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon and in fact, napabalita na ngang magpapakasal na sila.