Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bertolano inakay UP kontra FEU

0 33

PATULOY na ipinaparamdam ng University of the Philippines (UP) Lady Maroons ang kanilang lakas matapos akbayan ni Alyssa Bertolano upang kalusin ang Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws, 25-12, 25-22, 24-26, 27-29, 15-11 sa third game ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena kahapon.

Tumikada si Bertolano ng 24 points mula sa 23 attacks at isang service ace para tulungan ang Lady Maroons na masilo ang mahirap na fifth set victory.

Ganadong humataw ng bola ang Lady Maroons sa simula ng laban kaya naman magaan nilang nakuha ang panalo sa first set, 25-12.

Bahagya namang nagpakita ng lakas sa panunuwag ang Lady Tamaraws sa second frame pero hindi nasindak ang Lady Maroons at nakuha pa rin nila ang pangalawang sunod na panalo.

May tsansa sanang walisin ng Lady Maroons ang laban matapos umabante ng limang puntos, 23-18.

Pero sinuwag ng Lady Tams ang 6-0 run para maagaw ang bentahe, 24-23 sa set 3, hindi naman nila sinayang ang pagkakataon kaya nakuha ang unang panalo.

Kinapitan ng FEU sina Chen Tagaod at Lycha Ebon upang masikwat ang panalo sa fourth set at makahirit ng deciding fifth

Subalit nanatiling buo ang loob ng Lady Tamaraws at sa magandang nilaro ni Bertolano ay naitakas nila ang panalo.

Namuno sa opensa para sa FEU si Tagaod na kumana ng 15 markers. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.