Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bertolano, UP winalis UE

0 45

Mga laro sa Sabado (SM Mall of Asia Arena)
10:00 n.u. – NU vs ADMU
12:00 n.t. – DLSU vs AdU
4:00 n.h. – FEU vs UP
6:00 n.g. – UE vs UST

Sa pagbibida ng 20 points ni Alyssa Bertolano, mapuwersa rin ang simula ng bagong bihis na UP Lady Maroons, winalis ang UE lady Warriors 25-19, 25-23, 25-23 upang sumosyo sa tatlo pang mga opening day winner ng 84th University Athletic Association of the Philippines 2022 women’s volleyball tournament Huwebes ng gabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay.

Sa pagtabla ng mga balibolistang taga-Recto sa Diliman-based squad sa 23-all sa third and final set, di kinakitaan ng kapaguran si Bertolano sa depensa, at sa opensa man. Uumiskor pa sa spike at ace upang tiyaking walang fourth set.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasabwatan niya si Irah Anika Jaboneta na nagbakas ng 13 markers upang saluhan sa early lead ang mga nanalasa ring La Salle Lady Spikers na sinilat ang defending champion Ateneo Blue Eagles 22-25, 25-23, 25-18, 25-20;

NU Lady Bulldogs na sinagpang ang Adamson Lady Falcons, 25-15, 25-23, 25-18; at ang Santo Tomas GoldenTigresses na nilapa ang FEU Tamaraws, 25-23, 25-20, 25-21.

Magpapatuloy sa Sabado ang hostilidad sa Day 2 ng elimination round sa nabanggit na Pasay City playing venue pa rin. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.