Abante Tonite Interactive

Beshie niluray ni Utol sa party

By
1,609

Inaresto ng mga ­pulis ang isang 20-­anyos na lalaki makaraang ireklamo ng panggagahasa sa matalik na kaibigan ng kanyang nakababatang kapatid sa San Juan City nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ni San Juan Police Station chief Sr. Supt. Dindo Reyes ang suspek na si Carlo Esparaga, isang delivery boy, na kasalukuyang nakakulong sa kanilang detention cell dahil sa kasong rape.

Sa nakalap na ulat mula sa Women and Children’s Protection Desk, inimbitahan ang menor de edad na biktima sa birthday party ng kanyang beshie na kapatid ng suspek bandang alas-nuwebe Sabado ng gabi.

Nagkainuman at nalasing umano ang dalagita kaya nakitulog muna sa kuwarto ng kaibigan.

Habang natutulog, naramdaman umano ng biktima na may nakadagan sa kanya at doon na nangyari ang puwersahang panghahalay sa kanya ng suspek.

Hindi umano makasigaw ang biktima dahil tinakpan ang kanyang bibig at wala siyang lakas para manlaban.

Bandang alas-tres Linggo ng madaling-araw nang makatiyempo umano ang biktima na makalabas sa bahay ng kaibigan at agad nagsumbong sa kanyang mga magulang.

Ini-report ang insidente sa Police Community Precinct 4 at naaresto ang natutulog pang suspek.