Abante Tonite Interactive

BEST Center tumatanggap pa rin ng mga estudyante

228

Tumatanggap pa rin ng mga interesadong estudyante sa basketball at volleyball clinic ang award-winning BEST (Basketball Efficiency and Scientific ­Training) Center sa Ateneo ­College Covered Court sa Quezon City.

Dinaraos ang mga clinic tuwing Sabado at tatagal hanggang Pebrero 29 mula alas-8:30-11:30 nang umaga para sa mga estudyante ng Preparatory Level at sa mga level na 1-4.

Ginaganap naman ang mga basketball class ng BEST Center, recipient ng Philippine Olympic Committee (POC) Olympism Award, at Philippine Sportswriters Association (PSA) Hall of Fame awardee, tuwing Linggo sa Starmall-Alabang sa Muntinlupa City.

Hatid ang BEST Center ng Milo at mga suportado ng Rain or Shine, Chris Sports at SKLZ.

Sa mga interesado, tumawag lang sa 8372-3065, 8372-3066 at 3411-6260 o mag-email sa bestcenter.inquiry@gmail.com.