Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Best Player si Pringle

0 106

Dinomina ng Barangay Ginebra San Miguel ang virtual Special Awards Night ng PBA 45th season higit isang buwan matapos pagharian ang Philippine Cup sa Pampanga bubble.

Lumihis sa tradisyon ang liga, walang pinamigay na MVP honors dahil all-Filipino lang ang torneo na natapos sa season na pinaigsi ng coronavirus.

Ang highest individual award ay ang Best Player of the Conference na napunta kay Gin Kings guard Stanley Pringle.

Nakakuha ang Fil-Am ng 1,640 votes mula sa players, media at Commissioner’s Office. Naungusan niya sina Matthew Wright (1,578 votes) ng Phoenix, RR Pogoy (958) at Bobby Ray Parks (876) ng TNT, Calvin Abueva (779) ng Fuel Masters, at CJ Perez (668) ng Terrafirma.

SM food to go Banner Ad

“All the players were deserving,” ani Pringle, 33, sa virtual acceptance rin ng award. “Just being nominated for me was a blessing.”

Kasama ni Pringle sa Elite Five sina teammate Japeth Aguilar, Wright, Abueva at Poy Erram ng TNT.

Isa pang Ginebra player, si big man Prince Caperal ang Most Improved Player.

Big winner din ang do-it-all player ni coach Tim Cone na si Scottie Thompson na tumanggap ng Samboy Lim Sportsmanship award. Pinutol ni Iskati ang tatlong taong sunod na pagkopo ni Gabe Norwood ng Rain or Shine sa award. Tinalo niya sina Abueva at Perez.

Si Aaron Black ng Meralco ang tinanghal na Outstanding Rookie na pinalit pansamantala sa Rookie of the Year. Sinapawan ng anak ni Bolts coach Norman Black sina Arvin Tolentino ng Ginebra, Barkley Ebona ng Alaska, Roosevelt Adams ng Dyip at Aris Dionisio ng Magnolia. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.