Abante Tonite Interactive

Best player walang saysay kay Lee kung talo sa Aces

380

Masaya si Paul Lee na nasikwat niya ang una niyang Best Pla­yer of the Conference award sa PBA Governors Cup, pero hindi pa ‘yun ang ultimate prize para sa Magnolia Hotshots guard.

“There’s a lot of players who deserve the award, alam naman natin ‘yun,” mapakumbabang pahayag ni Lee. “I just got lucky na nakara­ting kami sa Finals, so gumanda ‘yung chance ko lang.”

Nasa pang-walong season na niya sa PBA si Lee, may dalawang kampeonato sa Rain or Shine noong 2012 Governors at 2016 Commissioner’s Cups. Pero ngayon lang siya itinanghal na BPC, naungusan si Chris Banchero ng Alaska.

Tinanggap ni Lee ang award bago ang Game 4 ng Finals Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Very happy, pero mas masaya siguro kung matatapos namin ‘tong championship,” dagdag ng Angas ng Tundo. “Mawawalan ng kwenta lahat kung hindi namin makukuha ‘yung champion­ship.”

Nanalo ang Alaska 90-76 para ibuhol ang series sa 2-2, babalik ng Big Dome ang magkatunggali mamaya para sa Game 5.