Abante Tonite Interactive

Bestfriend napatay sa nililinis na baril

240

Patay ang isang lalaki matapos na aksidenteng mabaril sa ulo ng kanyang matalik na kaibigan na naglilinis ng baril Martes ng hapon sa Taytay, Rizal.

Dead on-the-spot ang biktimang si Leonardo Magpusao, nasa hustong gulang, matapos mabaril sa ulo ng suspek na si Donhelle Camba, pawang residente ng Purok 2, Matalino St., Lupang Arienda, Brgy. Sta. Ana.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 4-A sa Camp Crame, naganap ang insidente ala-1:30 ng hapon sa loob ng kuwarto ng magkaibigan.

Napag-alaman na natutulog sa kama ang biktima habang nililinis naman ng suspek ang hindi na nabanggit na kalibre ng baril sa tabi nito.

Habang nililinis ay aksidente umanong nakalabit ng suspek ang gatilyo
at tinamaan sa ulo ang natutulog na biktima dahilan ng agarang kamatayan nito.

Mismong ang suspek na rin ang tumawag sa himpilan ng pulisya at kusang loob itong sumuko at isinurender ang baril na nakapatay sa kanyang kaibigan na napag-alamang walang lisensya at kaukulang dokumento. (Edwin Balasa)