Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Besuto, totsie ‘di ligtas kainin – FDA

0 332

Nagbabala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko laban sa pagkain ng ilang brand ng sitsirya, peanut butter at iba pa na hindi rehistrado sa ahensya at walang garantiya na ligtas sa kalusugan ng tao.

Sa ipinalabas na public advisory ng ahensya kahapon, tinukoy nito ang Besuto Kropeck na may garlic at soy flavor, Sanny Sweets dice black munggo, Totsie’s Peanut Butter Creamy, Tian Seng Hopia Dice Ube Mini at Morjon Sardines in Tomato Sauce Hot na hindi ligtas kainin ng tao dahil sa kawalan ng pagsusuri mula sa FDA.

Ayon sa FDA, hindi rehistrado ang nasabing mga produkto kaya walang garantiya na ligtas kainin ang mga ito.

Inatasan din ng ahensya ang mga may-ari ng grocery store at mga katulad nitong establisamyento na alisin sa kanilang mga paninda ang nasabing mga produkto para maiwasan ang panganib sa kalusugan.
(Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.