Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beteranang aktres suko sa female personality

0 359

Mismong mga kaibigan at katrabaho ng isang pamosong female personality ang nagpapatunay kung gaano kagulo ang kanyang disposisyon sa buhay. Bigla-bigla. Kung ano ang kanyang maisip ay walang pagdadalawang-isip niyang ginagawa.

Nakabihis na siya para sa isang eksena, pero bigla siyang babalik sa kanyang dressing room, hindi raw siya kumportable sa kanyang suot.

Patotoo ng isang source, “Ano ‘yun, nakapag-rehearsal take na sila, maayos naman ang lahat, parang wala naman siyang pinoproblema. Tapos, bigla na lang niyang sasabihin, magpapalit siya ng outfit, hindi raw kasi siya comfortable sa suot niya!

“Natural, malaking abala ‘yun sa takbo ng shoot, nandu’n na silang lahat, e! hindi naman siya mabilis magpalit ng damit, ang tagal-tagal, dahil sinisipat-sipat pa niyang mabuti ang itsura niya sa salamin,” unang kuwento ng aming impormante.

Matagal nang ganu’n ang female personality, marami siyang kaartehan, hindi na lang kumikibo ang kanyang mga katrabaho dahil siya ang bumibida sa proyekto.

Patuloy ng aming impormante, “Saka mahirap siyang ispilengin, marami siyang ginagawang mahirap intindihin. Minsan, kahit waiting na ang mga kaeksena niya, e, ayaw pa rin niyang lumabas sa dressing room.

“Meron daw siyang kausap na mahalagang tao sa phone, pero saan ka, maririnig naman siyang tawa lang nang tawa habang nakikipag-usap! ‘Yun ba ang mahalaga, kung anu-ano lang naman ang pinagkukuwentuhan nila?

“One time, dahil sa tagal sa paghihintay ng isang veteran actress, e, kinausap niya na ang executive producer. Sana raw, e, patayin na lang siya sa istorya, dahil hirap na hirap na siya sa paghihintay sa bidang female personality.

“Kaso, hindi naman puwedeng basta na lang mawala sa istorya ang veteran actress, mahalaga ang role niya. ganu’n na katindi ang pagkainis ng veteran actress sa female personality!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nakarating sa mga ehekutibo ng network ang mga ibinibigay na problema sa trabaho ng kanilang bida. Tinapos lang nila ang huling serye, pagkatapos nu’n, wala nang naging project pa uli sa istasyon ang girl!

“Hanggang ngayon, wala pa rin siyang work, ‘yun ang naging resulta ng pagiging maarte at pasaway niya! Masarap siyang hampasin ng bareta ng sabon!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Andi ‘di nabibili ang kaligayahan

Nanghihinayang ang marami sa piniling buhay ni Andi Eigenmann. Ipinagpalit niya raw ang popularidad at magandang kinabukasan niya sa isang simpleng buhay.

Lumabas na kasi sa kahon ng pampublikong buhay si Andi, kung may importanteng proyekto ay puwede pa rin naman siyang umarte, pero habang wala ay buhay-probinsiya muna ang niyayakap niya.

Para naman sa mas nakararami ay napakaideyal ng buhay ngayon ng aktres. Siya mismo ang nag-aalaga sa kanyang anak, siya ang namamalengke, siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing-bahay.

‘Yun ang klase ng buhay na pinapangarap ng mga personalidad. ‘Yung gigising sila nang walang hinahabol na oras, hindi nila kailangang mag-make-up para sa pagharap nila sa mga camera, ganu’n mismo ang kasalukuyang ikot ng maghapon ngayon ni Andi.

Kitang-kita ang kanyang kaligayahan sa piling ng kanyang karelasyon, ang propesyonal na surfer na si Philmar Alipayo, ama ng kanyang anak na dalawang taon na ngayon pati ng kanyang iluluwal pa lang na sanggol.

Nagpaplano na silang magpakasal, isang simpleng okasyon lang na mga pamilya nila at malalapit na kaibigan ang dadalo, dahil ang mahalaga para sa kanila ay ang basbas ng kasal.

Hindi nga naman nabibili ang kaligayahan, puso ang nagdidikta nu’n, hindi ang pagiging sikat at pagkakaroon nang sobra-sobrang biyaya sa buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.