Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beteranang singer-actress inisnab ng champion

0 130

Kung pagiging totoo ang pag-uusapan ay maraming humahanga sa kadiretsuhan ng dila ng isang veteran singer-actress. Hindi siya plastic.

Sasabihin niya ang totoo kahit marami pang magalit at mam-bash sa kanya, kung ano ang saloobin niya ay inilalantad ng beteranang female personality, dahil ‘yon siya talaga.

Pag-alala ng aming impormante, “Talagang wala siyang pagbabago, iyon na siya talaga kahit ilang dekada na ang nakararan, hindi siya nagsisinungaling sa publiko!”

Pinaninindigan ng veteran female personality ang anumang sinasabi niya, hindi siya laban-bawi, kaya maraming humahanga sa kanyang ugali.

Patuloy ng aming source, “Kesehodang ang sinasabi niya, e, tungkol sa kanya at sa ibang tao, wala siyang pakialam! Sasabihin at sasabihin niya ang katotohanan!

“E, ano ngayon kung magalit ang involved sa issue? Wala siyang pakialam du’n, ang importante, e, nagpakatotoo siya! Bakit nga ba hanggang ngayon, e, hindi pa rin sila nagkakabati ng isang manugang niya?

“Kasi nga, sinabi niya ang alam niya sa isang interview tungkol sa nangyari sa anak niya at du’n sa female personality! Natural, hindi nagustuhan ng girl ang sinabi niya, kaya nagalit, hindi na siya kinausap mula nu’n!

“Nakaapekto ba sa kanya ‘yon? Never! Ang katwiran niya, e, alangan namang baligtarin niya ang kuwento para lang matuwa ang manugang niya?

“Inilantad niya kung ano ang alam niya! Magalit na ang kahit sino, wala siyang pakialam! Kailangang magpakatotoo siya!” madiin pang kuwento ng aming impormante.

Kailan lang ay nagpakatotoo na naman ang veteran singer-actress, sinabi niya na nu’ng sumikat ang nag-champion sa singing contest na siya ang host ay hindi na siya kilala nito, diretso niyang sinabi ‘yon.

“Marami naman kasing kuwento sa biglang pagbabago ng nag-champion na ‘yon, di ba? Kahit ang mga dati niyang kaibigan at kaklase, ganu’n din ang sinasabi about her.

“Pati pala ang beteranang singer, hindi na rin niya pinapansin? Huwaw naman! Kaya maraming sumasaludo sa kanya, sa totoo lang siya palagi, wala siyang pakialam sa mga bashers, basta totoo ang mga ikinukuwento niya!

“A million thanks naman, dahil may mga personalities pa ring hindi plastic na tulad niya!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.