Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beteranong aktor iniwan ng esmi

0 233

Hindi rin pala puwedeng asahang barometro sa isang relasyon ang ilang dekada nang pagsasama bilang mag-asawa. Hindi na nakapagtataka kung maagang nagkakahiwalay ang mga personalidad na kasal dahil meron ngang ilang dekada nang magkasama sa isang bubong pero nagkakani-kanyang landas pa rin.

Ilampung taon na silang mag-asawa, tahimik ang kanilang pagsasama, ni wala tayong anumang nabalitaang kontrobersiya tungkol sa kanilang pagmamahalan.

Mula nu’n hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa paggawa ng mga pelikula ang lalaking personalidad, magaganda ang kanyang mga proyekto, dahil napakahusay niya namang umarte.

Kuwento ng aming source, “Akalain mo nga naman ang buhay. Ilang dekada na silang magkasama, maayos naman ang buhay nila, pero sa hiwalayan din pala ‘yon mauuwi?

“Pati ang mga anak nila, na pareho ring artista, may kani-kanyang buhay na, ano kaya ang nangyari at nagkaganu’n pa sila after how many decades?” unang reaksiyon ng aming source.

Kuwento ng isang source na malapit sa pamilya ay ang misis ng beteranong aktor ang umalis sa kanilang tahanan. Maraming beses na raw na gustong magsarili ni misis pero nahihilot pa ito.

Kuwento ng nasabing impormante, “Walang alam ang kahit sinong taga-showbiz na nagkakaroon pala sila ng problema. Tahimik sila, very private ang buhay nila, pero may mga nangyayari na pala!

“E, wala naman tayong nababalitaan na mahilig sa girls ang veteran actor, di ba? ‘Yong anak niya, ‘yon ang mahilig, maraming nakakarelasyong artista kahit may asawa na!

“Pero itong beteranong aktor, e, wala naman, para ngang wala siyang hilig sa babae, di ba? Pero may mga dahilan naman pala kung bakit iniwan siya ng wife niya!

“Mga personal reasons ‘yon na hindi lumalabas, hindi natin ‘yon malalaman kahit sa mga close friends nila, lihim na lihim!

“Ang galing-galing pa namang umarte ng veteran actor, kahit anong role, e, kayang-kaya niyang gampanan, kahit ang pagiging becki, napakahusay niya!

“Sino kaya ang source na puwedeng mag-give sa atin ng mga detalye kung bakit siya iniwan ng wife niya? Ang anak kaya nilang palaging nagiging controversial, magsalita kaya?

“Mag-give kaya siya ng kuwento kung ano ang nangyari sa parents niya? Nakakalungkot naman ang ganu’n, hindi pala guarantee ang tagal na ng pagsasama sa hiwalayan!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.