Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beteranong aktor winner sa bagets na dyowa

0 95

Bagets na bagets ang pakiramdam ngayon ng isang veteran actor. Maliksi siyang gumalaw, palaging nakangiti, ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.

Pansin ng kanyang mga katrabaho ang kakaibang galawan ngayon ng veteran actor na matagal na malungkot dahil sa mga kaganapan sa kanyang personal na buhay.

Kuwento ng aming source, “Ibang-iba na ang dating niya ngayon, parang may dating nakatakip sa mga mata niya na biglang natanggal ngayon. Matindi ang nagawa sa kanya ng bagong pakikipagrelasyon.

“At new love na nga, e, bagets pa ang natagpuan niya, kaya panalung-panalo ang magaling na beteranong male personality!” unang hirit ng aming impormante.

Dati pala ay ilag na ilag sa veteran actor ang kanyang mga katrabaho. Palagi kasi siyang seryoso, ni hindi man lang ngumingiti, hindi rin siya nakikipagkuwentuhan sa mga kasamahan niyang artista.

Patuloy ng aming source, “Pero ngayon, siya pa ang bumabati sa mga katrabaho niya, siya pa ang bumabangka sa mga kuwentuhan. Ibang-iba na siya ngayon, ang nagagawa nga naman ng pag-ibig!

“Namumula ang hasang ng beteranong male personality ngayon, para siyang makina ng sasakyan na palaging nagpapa-change oil, maliksing-maliksi siya at palaging masayang-masaya sa set ng seryeng ginagawa niya!” dagdag na impormasyon pa ng aming source.

Heto na. Kilalang-kilala sa husay sa paghawak ng pananalapi ang veteran actor. In short, isa siyang boksingero at hindi karatista, sarado palagi ang kanyang palad.

Sabi uli ng aming impormante, “Naku, baka umaasa ang girl na palagi siyang reregaluhan ng veteran actor! Alam naman natin ang mga kabataan ngayon, ipinaglihi sa hopia, punumpuno ng hope!

“Mukhang nagkamali siya ng pinili, kuripot ang veteran actor, kilalang-kilala siya sa husay sa paghawak ng kadatungan! Pero malay naman natin, baka kakaiba ang karisma ng girlfriend niyang bagets!

“Baka biglang nagbago na ang ugali ng veteran actor, baka naman naniniwala na siya ngayon na ang pera, e, inaalipin, kaya bubukas na rin ang palad niya!

“Basta, masayahin ngayon ang veteran male personality, kulay rosas na kasi ang paligid niya, sa wakas!” pagtatapos ng aming source.

Manny napaghandaan ng kalaban

Nakikipagkabugan sa mga isyung-showbiz ang mundo ng pulitika. Araw-araw ay may ipinanganganak na kuwento sa kanilang balwarte, matindi ang mga intriga, hindi pa man nagsisimula ang kampanyahan ay napakainit na ng kanilang mundo.

Pinakasapul sa kanilang lahat si Senador Manny Pacquiao, kalaban niya mismo ang isang paksiyon sa kinaaaniban niyang partido, kinukuwestiyon ang kanyang kandidatura.

Pero mukhang wala namang pakialam ang Pambansang Kamao, puro matitinding pahayag ang binibitiwan niya laban sa kampo ni PRRD, may banta pa siya na bilang na ang mga araw ng grupo at magsasama-sama sila sa kulungan.

Hanggang ngayon ay wala pa siyang inilalantad na runningmate, tinanggihan ng palabang broadcaster na si Raffy Tulfo ang kanyang alok, aligaga raw ngayon si Pacman sa paghahanap kung sino ang makakahawak-kamay niya sa pagtakbo.

Napaaga ang paglalantad ni Senador Pacquiao sa ambisyon niyang maging pangulo, napaghandaan siya ng mga kalaban, nakakaladkad din sa pagtirador sa kanya ang misis niyang si Jinkee na ayaw pa ring tantanan ng ating mga kababayan sa pagmamayabang nito sa kanyang mga kagamitang branded nang wala sa tiyempo.

Malayang komento ng kaibigan naming propesor, “Butas ng karayom ang kailangang lusutan ni Pacman. Hindi biro ang haharapin niyang laban. Matindihan ito, hindi pang-twelve rounds lang!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.