Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beteranong aktor, young actress buking na ang relasyon

0 98

Hindi na nga maitatago ang pagkakaroon ngayon ng espesyal na relasyon ng isang magaling na nagkakaedad nang male personality at ng isang baguhang artista.

Sa lock-in taping ng isang seryeng pinagbibidahan ng male personality ay wala nang magdududang sila na nga dahil sa kanilang mga galawan.

Kuwento ng aming source, “Madali namang intindihin kung bakit natukso ang veteran actor sa sexy personality. Napakatagal na niyang nag-iisa, malungkot ang buhay niya, kaya ganu’n.

“’Yung girl naman, lumaki kasi siyang walang father image, ganu’n naman ang mga babaeng walang kasamang tatay, mas matanda kesa sa kanila ang pinipili nilang karelasyon,” unang sultada ng aming impormante.

Nu’ng una ay walang nagbibigay ng malisya sa samahan ng veteran actor at ng baguhang artista, parang magkaibigan lang sila ang tingin ng mga kasamahan nila sa produksyon, pero habang tumatagal ay nagkaroon na ng kakaibang interpretasyon ang mga nasa lock-in taping.

Patuloy ng aming source, “Paano naman, Kapag tapos na ang work nila at nagpapahinga na ang mga artista at production staff, e, napapansin ng mga nandu’n na magkasama pa rin ang dalawa.

“At ang nakakagulat pa, ang girl mismo ang nagpupunta sa room ng veteran actor. Ano ang ginagawa nila du’n? Naglalaro lang sila ng chess? Nagbabasa ng komiks?

“Ang girl talaga ang dumadalaw sa room ng male personality, matagal silang magkasama du’n, kaya ang tanong ng mga kasamahan nila, e, nagtititigan lang kaya sila sa room habang magkasama sila?” nakataas ang kilay na hirit pa ng aming source.

Parehong makulay ang buhay ng dalawang pesonalidad. Maagang nawalan ng kapareha sa buhay ang male personality. Ang baguhang artista naman ay kapos na kapos sa pagmamahal ng ama.

Sabi uli ng aming impormante, “Natural, kapag nagkatagpo ang mga taong may kakulangan sa lovelife at buhay nila, e, siguradong magkakaswak! Ganu’n ang nangyari sa kanila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Maganda at sexy ang girl, batambata pa, ang veteran actor naman, kahit nagkakaedad na, e, guwapo pa rin. Buking na ng mga kasamahan nila ang special nilang relasyon, wala na silang maitatago pa,” pagtatapos ng aming impormante.

Big star ng Kapamilya nagparamdam kay Mr M na lumipat

Gaano katotoo ang nakarating na impormasyon sa amin na maraming Kapamilya stars ang nagtatawagan ngayon kay Direk Johnny Manahan para sa kagustuhan nilang lumipat sa GMA-7?

Consultant na ngayon ng GMA Artists Center ang mahusay na direktor at si Ms. Mariole Alberto, meron na silang karapatang salain ang mga personalidad na gustong kumabilang-bakod sa Siyete, kaya ang nirerespeto nilang si Mr. M ang nilalapitan nila ngayon.

Pinangalanan pa ng aming source kung sinu-sinong Kapamilya stars ang nagpaplanong lumipat, nakagugulat ang listahan, puro may pangalan ang mga artistang nagpaplanong iwanan na ang ABS-CBN.

Sabi ng aming impormante, “May mga Kapamilya stars na madalas magsabing hindi nila iiwanan ang network nila. Nababasa natin ‘yun sa mga posts nila.

“Pero kapag naiisip nila ang sitwasyon nila na wala naman silang trabaho, natural lang na mag-isip na sila. May pamilya silang binubuhay, sila lang ang inaasahan, kaya ano ang papasok sa isip nila?

“Meron ngang isang personality du’n sa ABS-CBN na panay-panay ang pagsasabing forever siyang magiging Kapamilya dahil du’n siya nagsimula, pero ang lumabas na kuwento, e, nagpapalako rin naman siya sa GMA-7?

“Lagi nating iisipin na walang kinikilalang batas ang bitukang gutom,” makabuluhan pang mensahe ng aming source.

Man of few words si Direk Johnny Manahan, hindi natin maaasahan ang magaling na director na magsasalita tungkol sa kuwento, pero sumusumpa ang aming source na maraming Kapamilya stars ang nagtatawagan ngayon sa kanya para kumabilang-bakod na.

Leave A Reply

Your email address will not be published.