Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beteranong newscaster tumalon sa PTV

0 156

Talaga namang nakaka-excite ang sinasabing pagbabagong anyo ng balita sa People’s Television na simula nang matutunghayan sa Lunes, Setyembre 7. Bulung-bulungan ngayon kung sinu-sino nga kaya ang madaragdag sa mga tagapagbalita sa government network ?Sino ang tatalon sa PTV? May ilan kaya sa kanila ay mapapanood na sa Lunes?

Ayon sa aming source, kumpirmado na raw na may madaragdag na malaking pangalan sa hanay ng mga news anchors sa PTV, partikular sa primetime newscast nilang Ulat Bayan.

Related Posts

Bagamat mananatili pa rin umano sa programa sina Aljo Bendijo, Diane Querrer at Alex Santos , hindi raw matatawaran ang magiging ambag na kredibilidad sa pagbabalita ng daragdag na personalidad sa tatlo. Power of Four ika nga, ang magiging panlaban ng PTV sa mas pinalakas nitong Ulat Bayan.

Sino nga kaya ang tinutukoy nilang beteranong mamamahayag na ito?

Leave A Reply

Your email address will not be published.