Abante Tonite Interactive

Beteranong showbiz personality nag-sorry sa guwapong celeb

0 748

Nag-sorry na pala ang isang beteranong showbiz personality (BSP) sa nakahidwaan nitong guwapitong celebrity (GC).

Nagpadala ng email si BSP kay GC at nag-apologize ito sa naging hindi pagkakaunawaan nilang dalawa, kung saan tinira-tira ni BSP si GC online at sa social media.

Nagkasama kasi sa isang proyekto ang nakatatandang si BSP at ang nakababatang si GC at doon nagsimula ang kanilang iringan, na wala naman sanang isyu kung hindi ito pinalaki ni BSP.

Abante Hiring – IT dep

Sa bugso ng damdamin ni BSP ay nakapagsalita ito ng kung ano-ano laban kay GC, na kinukuwestyon ang pagkatao at pag-uugali nito pati na ang paraan nito ng pagtatrabaho at pakikitungo sa mga tao.

Minsan lang sumagot si GC at hindi na pinatulan si BSP, na panay pa rin ang pasaring at pitik kay GC.

Nitong huli ay may banat pa si BSP kay GC na may kaugnayan sa isang tao na parehas nilang nakatrabaho, pero mas matagal na nakasama ni BSP.

Ang nakakalerky kay BSP, bukod sa pagsu-sorry ay inalok pa nito ang kanyang serbisyo kay GC na may kinalaman sa trabahong ginagawa nito.

As in nakuha pa ring isingit ni BSP ang kanyang hindi kaganda­hang komento tungkol sa trabaho ni GC, saka ito nagpresintang tutulu­ngan nito si GC para mas gumanda ang klase ng trabahong inilalabas nito sa publiko.

Deadma si GC sa pathetic na email ni BSP. Wala na siyang balak pang makipag-ugnayan dito at hindi na mauulit ang pagkakamali niya nang pumayag siyang makatrabaho ito.

Noon pa sinasabi ng mga nakakakilala kay BSP na may pagka-weird ito, pero sa ginawa nitong pagsulat na ‘yon kay GC ay lumalabas na tila desperado na ito.

Bulung-bulungan tuloy na hindi naman talaga galit ang nararamdaman ni BSP kay GC kundi bordering on ‘obsession’ na ang napi-feel niya para rito!
PAK!!!

Dizon ayaw sa bagets

Hindi maikakailang mas tumaas ang ‘elya factor’ ni Kit Thompson dahil sa pagpapareha sa kanila ni Mylene Dizon sa May-December movie na “Belle Douleur (Beautiful Pain)”.

Hot na hot ang love scenes nila ni Mylene sa movie at malaking bagay na walang keber sa hubaran si Kit, kaya mas lalo pa siyang pagnanasaan after mapanood ang pelikula.

Hindi man ganu’n ka­tambok ang puwet ni Kit ay sobrang sexy niya at bukod sa guwapo ay talagang hunkylicious, kaya ang sarap niyang panoorin nang hubad sa big screen.

Kinailangan niyang mag-plaster dahil intense ang intimate scenes nila ni Mylene, na masakit daw tanggalin at hindi lang isang beses niyang ginawa kaya ngayon ay marunong nang mag-plaster si Kit ng notes niya.

Doing good ang career ng Fil-Am hunk at okey din pati ang love life niya. Kinaiinggitan ng girls at beks ang non-showbiz girlfriend ni Kit na si Lea Marie Ruiz.

Kung maraming girls ang bet na bet si Kit, si Mylene ay mas attracted sa kaedad niya o mas older na guy. Hindi raw talaga type ng aktres ang mga bagets, lalo na ang 20 years younger sa kanya na tulad ni Kit.

Ngayon ang ope­ning in 100 cinemas nationwide ng “Belle Douleur”, na sold out ang screenings sa Cinemalaya 2019 kaya nakuha nito ang Audience Choice Award.

Ai Ai naka-64 na sa asawa

Kuntento si Ai Ai delas Alas sa kabaitan at kaswitan ng mister niyang si Gerald Sibayan kaya masaya at payapa ang kanyang personal life.

Nu’ng isang araw lang ay nag-celebrate sina Ai at Ge ng kanilang monthsary at bale 5 years and 4 months na raw silang mag-darling.

Sa 64 months nila together ay 64 flowers na rin daw ang naibigay ni Gerald, kaya Best Husband daw ito para kay Ai Ai.

Humataw sa paggawa ng pelikula this year ang Comedy Queen dahil next year ay tuloy na ang pagbubuntis niya ng first baby nila ni Gerald.

So far ay nakadalawang pelikula na si Ai this year: “Sons of Nanay Sabel” at “Feelennial”. Today ang pangatlo dahil ngayon ang showing ng movie niyang “And Ai, Thank You!” with Rufa Mae Quinto, Kakai Bautista, Joey Paras, atbp.

Ginagawa ni Ai Ai ang movie nila ni Kisses Delavin at ang MMFF entry ni Coco Martin with Jennylyn Mercado.

Ratsada talaga siya ngayon dahil pahinga raw siya ‘pag natuloy ang pregnancy niya via IVF sa 2020!