Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beteranong siklista dedbol sa SUV

0 415

Dead on the spot ang isang beteranong siklista ng Marboro tour nang ang minamaniobra nitong bisikleta ay banggain ng SUV na minamaneho ng isang BFP Personnel sa Daet, Camarines Norte, Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Daet police ang biktimang si Roberto Malacas, 56, tinaguriang pride of Camarines Norte cycling at beterano ng Marboro tour noong 1980’s at 90’s.

Ayon sa report ng Daet police, nakasakay sa kanyang bisikleta ang biktima nang masalpok ng Toyota Fortuner na minamaneho ni Jo Edward Francisco Mojal, 31 anyos, personnel ng BFP-Daet sa national highway sa Barangay Gubat, alas-9:30 ng gabi.

Ayon sa pulisya, lasing umano si Mojal nang mangyari ang insidente.

Bago ang pangyayari, isang motorsiklo ang unang nabangga ng SUV sa may Barangay Pamorangon.

Nagpatuloy pa rin ito sa pagmamaneho hanggang sa nabangga pa nito ang isa namang motorcycle hauler sa Barangay Cobangbang.

Matapos namang masalpok ang siklista, nagtangka pang tumakas si Mojal subalit naaresto rin ito ng tauhan ng Daet PNP at Mercedes PNP sa Brgy. San Roque. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.