Abante Tonite Interactive

Bettina ‘sinaktan’ nina Chynna-Chef Boy

6,294

TINANGGAP ni Bettina Carlos nang maluwag sa puso niya na pinalitan nga siya bilang co-host ni Chef Boy Logro at wala siyang isyu na si Chynna Ortaleza ang ipinalit sa kanya bilang kaibigan naman niya ito, still we know, deep inside, nasaktan din siya dahil sobrang napamahal sa kanya ang cooking show nila na ito ni Chef Boy.

Pero naiintindihan daw niya kung bakit kailangan nga siyang tanggalin noon at pali­tan ng iba. Kasabay ito ng hindi na pagre-renew ni Bettina ng kontrata sa GMAAC.

May mga ibang priorities si Bettina na siyang pinaniniwalaan niyang dapat niyang gawin at i-honor lalo na nang magsimula siyang maging Christian.

Kaya alam naming masayang-masaya nga ito na sa pagpasok ng 2018, may bago siyang show. Another cooking show na talagang gusto niyang gawin.

Aniya, “Opening 2018 with the biggest dream of my life (yes, bigger than marrying! Ha ha!)  My OWN show.  I praise God for His right timing and bringing the right people to make this prayer an ans­wered one.

“Truly there’s a RIGHT TIME for EVE­RYTHING. Everyone, I am pleased to share with you all MY OWN baking and cooking show. #ABCbyABC.” Ngayong Linggo na rin daw mapapanood ang first episode niya.

Celeb feeling stalker kay Maggie

ANG ganda ng ginawa ni Maggie Wilson na IG stories, ang sarap panoorin lalo na at through her travels, parang narating na rin ng mga followers niya ang mga lugar na napuntahan niya.

Kaya naman nagising daw siya with hundred of messages sa kanyang Direct Messaging.

Sey ni Maggie, “I didn’t think it would blow up. Hahaha!”

Nangako pa itong ngayong 2018, mas magsisipag pa raw ­siyang mag-post ng mga photos, videos and ­stories.

“I love reading all of your messages. So let’s continue to #LetTheLoveGrow and fuel that passion and fire we have inside of us!”

Part of her recap, twice raw siyang nakapag-swimming kasama ang mga turtle sa Great Barrier Reef, nakarating sa isa sa pinakamagandang lugar para sa kanya, ang Maldives at sinelebreyt nila ang 40th birthday ng kanyang mister na si ­Victor Consunji.

Hindi rin nawala ang Coron, Palawan sa travels niya at ­Bali. Kasama rin ang Kenya. Nagsimula na rin siyang mag-join ng marathon at Spartan sa iba’t ibang bansa kasama ang kanyang mister.

Nag-volcano marathon din sila sa Chile at binisita rin ang glacier sa Antartica.

May isang follower si Maggie na celebrity rin na halos lahat ng IG post niya ay nila-like at nagku-comment.

Hindi kami sure kung dahil lahat na nga lang ng post niya ay may comments ang natu­rang celebrity kaya parang common na kay Maggie at hindi na ito nagre-react by giving a reply comment.

Pero natawa kami sa comment ng isang netizen na halatang ‘fan’ daw ni Maggie ang naturang celebrity dahil parang stalker raw ng IG nito.