Abante Tonite Interactive

Bettinna, proud sa kabutihan ng anak

150

NAKAKATUWA ang good vibes post ng Idol Sa Kusina host na si Bettinna Carlos tungkol sa kanyang witty daughter na si Gummy.

Ipinakita ni Gummy sa kanyang mommy ang mga gagawin niya sakaling maging presidente siya balang araw.

Sa caption ng Kapuso host sa photo na pinost niya sa Instagram, makikita ang magiging mga plano ng:

“As ‘Presdent’ (she spells words as per her pronunciation) @gummybites7 said she will teach she will pray she will praise God and be a good example.

“Wow anak you will make a great leader! #gummybites”

***

Usap-usapan ang mga isyu kaugnay sa droga, lalo pa’t nadadawit ang mga artista.

Tuwang-tuwa ang Dutertards sa memes na nang-ookray kay Senador Leila de Lima:

KUBOL… TRAIN TO KULUNGAN … MAY ASIM PA… PAHIRAM NG DRIVER … DELIMAW: Ang Unang Aswang at marami pang iba.

Pero ang trapik sa EDSA, nagkakabuhul-buhol pa rin.

Ang piso, bumabagsak.

***

Tampok ang tatlong magkakapatid na beki sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong gabi, pagkatapos ng Hay, Bahay! sa GMA 7.

Naging contestants kamakailan sa Wowowin ang magkakafatid na sina Tikoy, Ugie & JM.

Pinasalamatan nila ang ama na nagbagong-buhay na raw matapos itong malulong sa droga.
Tampok din sa KMJS ang Bulilit Rappers ng Makati City.

Sumikat sila sa pagra-rap sa Chino Roces Avenue (Pasong Tamo).

***

Tuluy-tuloy ang mga bikini open tampok ang pogilicious hunks.

Kaya more and more ang video clips sa YouTune channel na ‘Tonite With Jerry Olea.’