Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beverly nabingwit ng Timberwolves

0 113

Selyado na ng Minnesota ang pagkuha sa serbisyo ni ace defender Patrick Beverley mula Memphis.

Para masakote si Beverley, ipinalit ng Timberwolves sina 2019 first-round pick Jarrett Culver at backup forward Juancho Hernangomez sa Grizzlies.

Noong isang linggo ay lumipat ng Memphis si Beverley, 33, kasama sina veteran guard Rajon Rondo at center Daniel Oturu mula Los Angeles Clippers kapalit ni guard Eric Bledsoe.

Three-time member ng NBA All-Defensive Team si Beverley.

SM food to go Banner Ad

Nakapag-average siya ng 7.5 points, 3.2 rebounds at 2.1 assists noong nakaraang season sa Clippers.

Pero hindi makakapaglaro sa season opener ng Wolves si Beverley, bubunuin ang one-game suspension bunga ng pagsalya kay Phoenix veteran guard Chris Paul sa Game 6 ng West finals noong nakaraan.

Mapapakinabangan ang liderato ni Beverley sa backcourt lalo’t pinamigay ng Minnesota sa Cleveland si veteran playmaker Ricky Rubio para kay forward Taurean Prince. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.