Abante Tonite Interactive

Beverly pinahiya sina Kawhi, George

434

Sa unang pagkakataon, naglaro nang sabay sina Kawhi Leonard at Paul George, pero si Patrick Beverley ang bumida sa Los Angeles Clippers.

Pinagsabay-sabay sa floor ni coach Doc Rivers sina Leonard, George at Lou Williams, ‘di na malaman ng Boston Celtics kung sino ang iiwan.

Pinili ng Celtics na huwag bantayan si Beverley, at nagbayad ang Boston.

Nag-shine sa magkabilang dulo ng court si Beverley, umiskor ng 14 at nagbaba ng career-high 16 rebounds para itulak ang Los Angeles Clippers sa 107-104 overtime win laban sa Boston Miyerkoles ng gabi sa 74th NBA ­2019-2020 regular season game.

“If I was a coach, I’d leave me open all the time,” bulalas ni Beverley.
Nagsumite si Williams ng 27 points, nagdagdag ng 25 si George at 17 kay Leonard para sa Clippers na nag-rally pa mula 10-point deficit sa fourth quarter.

Pito sa 23 turnovers ng LA ay nailista kay Williams, may tig-lima sina George at Leonard. May 17 ­miscues ang Celtics.

“That was an ugly win, but it was beautiful,” bulalas ni Rivers.

Dahil sa injury at rehab, hindi agad nakapaglaro nang sabay sina Kawhi at George sa first 14 games ng ­season. Binutata ni Kawhi ang panabla sanang 3 ni Kemba Walker sa dulo ng OT. (VE)