Abante Tonite Interactive

Beyoncé, Jay-Z tutok sa mga anak

281

Hindi hadlang ang superstar status ni Beyoncé para makaligtaan niya ang mga tungkulin sa kanyang mga anak. Kahit gaano ka-hectic ang kanyang schedule ay lagi siyang may oras o panahon para ihatid sa paaralan ang mga anak.

Lagi rin siyang present sa mga aktibidades sa paaralan ng mga dyunakis.

Sina Beyoncé at si Jay-Z ay parehong abala sa kani-kanilang career. Pero kapuri-puri na lagi silang may panahon o inilalaang oras para sa kanilang mga anak – Blue Ivy, 7, at ang kanilang kambal na sina Rumi at Sir, 2.

Ginagawan din nila ng paraan para ma-develop nang husto ang artistikong talento ng kanilang panganay na anak na babae. Dahil dito, suportado nila ang lahat ng kanyang mga aktibidad sa paaralan. Gusto kasi nilang mapalaki ang kanilang mga anak bilang “normal” na mga bata hangga’t magagawa nila.

“Beyoncé takes Blue to school as much as she can and is very, very hands on with all her school projects and extra curricular activities. They have nannies, but when it comes to all things school, Beyoncé’s really likes to personally be involved. She and Jay really appreciate how normal they are treated, too. It’s so nice to see her be a normal mom,” ayon pa sa kuwento ng isang source.

Ang pagdalo sa mga dance recital ay isa na namang bagong pinagkakaabalahan nina Beyoncé at Jay-Z dahil sa anak nilang si Blue. Mukhang nagmana ito sa kanila at nakakuha sa kanilang talento. (Lourdes Fabian)