Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beyond Zero markado sa TikTok bigay-pugay

0 108

NI: ROLDAN CASTRO

Nagpakitang-gilas sa matagumpay na digital concert ang Beyond Zero sa KTX.ph. Ito’y pinamagatang Beyond Zero: The Reboot na ginanap sa Cove Manila, Okada noong December 3, 7 p.m.

Ang Beyond Zero ay ang pinakabagong all-male P-Pop group sa Pilipinas na binubuo ng mga TikTok superstars na sina Andrei, Duke, Jester, Jieven, Khel, Matty, and Wayne. Milyon ang followers sa Tiktok ng Beyond Zero members at umabot na rin sa halos 1.4 billion ang kanilang combined TikTok views.

Ito’y mina-manage ng House of Mentorque at ang Mentorque Productions ang nag-produce ng show.

SM food to go Banner Ad

Nakatutuwa dahil maraming millenial faney ang grupo.
Pasabog ang concert nila. Pati ang ilaw at LED effects nila sa stage.
Havey ang kanilang unang single na ‘Reach The Top.’
Winner din ang pagpupugay nila sa TikTok kung saan sila nagsimula. Markado at maganda ito.

Nakasama ng Beyond Zero sa isang production number ang fellow TikTokers.Sinayaw nila dito ang mga viral TikTok dance challenges.
Nag-perform din sa concert as special guests at para sumuporta ang Sexbomb Dancers, The Manoeuvres, Quest, JRoa, Glendale Aquias, at si Jessy Mendiola-Manzano.

Ang debut concert ng Beyond Zero ay dinirek ni GB Sampedro.

Leave A Reply

Your email address will not be published.