Abante Tonite Interactive

BF na dating malambing biglang tumabang

512
Dra. Margarita Holmes
Dear Dra. Holmes:
Maaga po ako nag-asawa. ­Mahirap ang pinagdaanan ko sa ex-husband ko pero tumagal po kami ng 19 yrs.
Mahal ko siya at sexually satisfied ako sa kanya. Pero napagod din ako. Sinasaktan niya ako kaya nauwi kami sa hiwala­yan. Seven yrs. na po nakaraan, may ­nakilala akong lalaki sa isang dating site. Tatlong buwan kami mag-BF pero may asawa siya.
Konting time agad ako na-in love dahil malambing at sobrang galing magsalita. Halos everyday pinupuntahan niya ko kahit nasa Manila siya at sa Laguna ako, kaya alam ko mahal na mahal niya ko. Pero ilang buwan lang,
nag-iba na siya, di na madalas ang text at tawag, di na din ako pinupunta­han. Nag-usap kami dahil ayoko na taking me for granted siya. Sinabi niya busy siya; di niya daw kaya sabay relationship namin sa trabaho niya at pamilya. Naghingi siya ng space.
Wala ako magawa kahit masakit. Pakiramdam ko ginamit ako sa dami ng ginawa na namin sa ilang buwan ­naming relasyon, pero tahimik kong tinanggap ‘yon.  Bakit ganyan ang trato niya sa akin?
Shiela
Dear Shiela:
Maraming salamat sa sulat mo. Hindi na ako magfo-­focus sa relasyon ninyong mag-asawa, okay? Iba ang relasyong mag-asawa na tumagal ng 19 taon at ang relasyong 3 ­buwan na nag-umpisa sa dating site. At ‘yang ikalawang relasyon ang nagbibigay ng pighati sa iyo ngayon.
Hindi ko kilala ang dating BF mo, kaya maaaring iba siya sa mga lalaking naging mga kliyente ko bilang relationship expert at sex therapist. Ang karamihan ng mga lalaki ay tila may pilosopiyang “easy come, easy go.”
Kung sa tingin nila, “madali” lang nakuha ang babae, ­hindi nila inaalagaan ang relasyon na ito. Pagkatapos nilang makuha ang gusto nila, ang karamihan ng mga lalaki ay napapagod at hindi na kasing ganadong ituloy ang relasyon, lalo na kung hindi kasing dali ma-maintain ito. (Halimbawa, ang maglakbay mula Manila hanggang Laguna araw-araw).  TO BE CONTINUED
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Tonite tuwing Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa “Walang Echos” sa Abante Tonite Facebook ­tuwing Huwebes, 7 pm.