Abante Tonite Interactive

BF ni Kris inokray ng mga netizen

485

Very vocal na ang Kapuso actress na si Kris Bernal pagdating sa kanyang love life.

Sa kanyang latest post sa kanyang IG account, maraming netizen ang nag-react habang ibinabandera niya ang isang litrato kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend.

May text ito na: “Not all men are scumbags. Not all men will lie to you, cheat on you, and break your heart. Some, most even, certainly will. But not him. He refuses to treat me the same way every other assh*le in my life has treated me. He won’t lie to me. Because it’s his choice, a choice he’s already decided to make.”

Bagama’t may natuwa dahil happy si Kris sa kanyang love life, marami rin naman ang nadismaya. Sey ng isang netizen, hindi raw bagay ito kay Kris.

Tipong kulang pa umano sa good manners. Sa pic kasi, kumakain sila pero naka-cap ang kanyang BF.

Giit ng ilan, dapat daw ay tinatanggal nito ang kanyang cap bilang pagbibigay-galang na rin sa nobya at sa nakaugaliang etiquette pagda­ting sa hapag-kainan. (Archie Liao)