Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BF ni Maine player ng Miami Heat

0 154

Pihadong nagdiriwang daw ngayon si Maine Mendoza matapos makapasok ang “nobyo” niya sa 2020 NBA Finals.

Biro ito ng mga netizen dahil sa malaking pagkakahawig ni Arjo Atayde sa Miami Heat player na si Duncan Robinson.

Magugunitang pasok na sa NBA Finals ang Heat matapos ilampaso ang Boston Celtics sa Eastern Conference Finals nitong Lunes.

Makakaharap nila ang star-studded na Los Angeles Lakers na pinangungunahan ni LeBron James.

Trending ang screenshot na binahagi ng Facebook page na Thinking Criminologist kung saan makikita na kamukha ni Arjo ang Miami player.

“Proud na proud sayo si Maine Mendoza. Congrats Philippines,” caption sa FB post na mayroon nang 4,000 shares at 3,500 reactions. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.