Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BFAR dinemanda importer ng galunggong

0 54

Sinampahan ng kaso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang isang importer ng sari-saring frozen food product dahil diumano sa diversion at misdeclaration ng P1.9 milyong halaga ng galunggong galing China.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na nagsampa ng kaso si BFAR Fisheries Inspection and Quarantine Division chief Nilo Katada laban sa Hightower Inc. dahil nilabag nito umano ang batas sa pag-aangkat ng sariwa, chilled, at frozen na fish at fishery and aquatic products.

Ang Hightower ay matagal na umanong importer ng mga frozen products tulad ng beef.

Sabi ng DA, administrative case ang isinampa laban sa Hightower dahil sa paglabag sa Section 105 ng Republic Act 10654 at Administrative Order No. 195 ng BFAR.

Sabi ng DA, sinampa ni Katada ang kaso matapos itong makatanggap ng ulat sa Bureau of Customs tungkol sa diumanoý diversion ng refrigerated container vans na nalaman dahil sa GPS device na nakadikit sa mga ito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.