Abante Tonite Interactive

BFAR naghahanap ng bagong pagkukunan ng tilapia, tawilis

0 224

Kasalukuyang naghahanap ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nang alterna­tibong mapagkukunan ng tilapia, tawilis kasunod ng pagkasira ng fishpond sa Taal Lake sa Batangas.

“We are expecting for the worst hangga’t ‘di pa natin matingnan talaga ang damage sa area,” sinabi ni BFAR Calabarzon Regional Director Samuel Malvas.

Ang tanggapan ng BFAR sa tulong din ng Department of Agriculture ay patuloy pa ring nagmo-monitor sa pinsala dulot ng pagsabog ng Taal na nakapinsala sa mga palaisdaan na malapit sa naturang lugar.

Ang bayan ng Tali­say at Agoncillo ang higit na naapektuhan ng insidente kung saan karamihan sa mga resi­dente ay mga mangi­ngisda at nagpaparami ng mga tilapia at tawilis sa lawa.

Kaugnay nito, nanawagan si Malvas sa mga tindero at tindera ng isda na huwag samantalahin ang kalamidad at huwag taa­san ang presyo ng mga isdang kanilang ibebenta.

Nauna nang ibinabala ng Departent of Health ang pagha­ngo at pagkain ng mga isdang galing sa Taal Lake dahil sa epekto ng ibinugang sulfur at posibleng iba pang kemikal ng bulkan. (Riz Dominguez)