Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BFF 3 beses sinakyod sa dibdib

0 173

TODAS ang isang lalaki matapos siyang pagsasaksakin ng kanyang matalik na kaibigan habang nag-iinuman sa Barangay San Nicolas, Vigan City, Ilocos Sur noong Biyernes.

Kinilala ng Vigan City Police Station (VCPS) ang biktima na si Leonard Mahilom, 29, ng Candon City.

Samantala, ang suspek ay si Christopher Gabor Jimenez, 27, matalik na kaibigan ng biktima, ng Barangay San Nicolas, ng nasabing siyudad.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report, ayon sa VCPS, bago ang insidente, nag-iinuman ang biktima at suspek at sa hindi malamang dahilan, biglang nag-away ang magkaibigan hanggang humantong sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo, biglang bumunot ng patalim ang suspek at sinakyod ng tatlong saksak sa dibdib si Mahilom sanhi ng pagkamatay nito bago dumating ng ospital.

Agad namang sumuko sa pulisya si Jimenez na nakakulong ngayon sa VCPS jail. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.