Abante Tonite Interactive

BFF dumalo sa sayawan, niratrat

0 316

Hindi na nakauwing buhay ang dalawang magkaibigan na dumalo lang sa benefit dance ng kanilang barangay matapos makita ang bangkay ng mga ito na may mga tama ng bala sa katawan sa mabundok na bahagi ng Brgy. Nangka, Danao City, Cebu Linggo nang umaga.

Pasado alas-sais ng umaga nang matagpuan ang mga bangkay ng magkaibigang biktima na nakilalang sina Christian Christian Paduga, 20, at Reme Capin, 18.

Sa imbestigasyon ni PSSg. Ronald Gomez, may hawak ng kaso, nagpaalam ang mga biktima sa kanilang mga magulang na dadalo lang sa benefit dance ng kanilang barangay kamakalawa nang gabi pero hindi na sila nakauwi pa ng gabing iyon.

Kinabukasan ay nabalitaan na lang ng kanilang mga kamag-anak ang sinapit ng mga biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nalaman na kahapon nang mada­ling-araw ay nakarinig ng mga putok ng baril ang mga residente ng barangay pero hindi umano nila inintindi ito dahil nawiwili sila sa pano­nood ng sayawan.

Patuloy pa ngayon ang pag-iimbestiga sa insidente para matukoy kung sino ang may kagagawan ng krimen at ano ang motibo ng pamamaslang. (Edwin Balasa)