Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BFF tinodas sa away kare-kare

0 124

Yumao ang isang 63-anyos na lalaki matapos barilin ng kanyang kaibigan na nagalit sa kanyang kare-kare joke, kahapon sa Tondo, Maynila.

Nakita pa sa CCTV ang ginawang pagpatay ng naarestong suspek na si Enrique Calila, 55, sa biktimang si Arsenio Dela Cruz.

Naganap umano ang insidente pasado alas-3:00 ng hapon nang magsalita ang suspek sa sinabi ng biktima kaugnay sa kare-kare. Ang dalawa, na kapwa kalesa driver, ay nakaistambay malapit sa bahay ni Dela Cruz.

“Sabi niya sa akin, ‘Grace, titingin na lang ako ng kare-kare sa may amin kasi magpapakain lang naman ako ng mga aso ko.’ Sumabat ‘yong si Enrique. Ang sabi niya, ‘Ano, kare-kare, papakain mo sa aso lang?’” ayon kay Grace Tiongson, isa pang kaibigan ng biktima.

“Si Arsenio, sinakyan niya ‘yong Enrique. Sabi niya, ‘Ay, kasi maselan ‘yong mga aso kong kumain.’ Sabi ni Enrique, ‘Bakit kare-kare? Ang luho-luho naman ng ipapakain mo’,” kuwento niya pa.

Hanggang sa umabot na sa pagtatalo ang dalawa at nakarinig na lamang ng putok ang mga tao sa lugar at nakitang nakahandusay si Dela Cruz. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.