Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BFP-Biñan chief sibak sa padespedida

0 96

Sinipa bilang hepe ng Biñan, Laguna Fire Station si Batangas City Fire Marshal Elaine Evangelista kasunod ng nangyaring despedida para sa kanya.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Department of the Interior and Local Government, lumabag si Evangelista at ibang tauhan sa quarantine protocol kontra COVID-19.

“Upon the directive of Secretary Eduardo M. Año, BFP Chief Jose Embang Jr. has withdrawn the new assignment of F/CInsp. Elaine Evangelista as chief, Biñan Fire Station,” ayon sa isang pahayag ni DILG spokesperson Jonathan Malaya.

Bukod dito, naglabas din ang BFP ng show cause order laban sa lahat ng mga tauhang sangkot sa umano’y mass gathering sa despedida.

Pinag-utos din ni Embang sa BFP Region 4-A na alisin muna sa puwesto ang lahat ng mga sangkot na opisyales upang hindi makagambala sa isasagawang imbestigasyon sa insidente.

Matatandaang noong Mayo lang, kinondena ng mga netizen ang birthday celebration ni Metro Manila Police chief Debold Sinas dahil din sa umano’y paglabag sa pagbabawal sa mass gathering pero giit ng hepe, hindi party kundi ‘mañanita’ ang naganap. (Shernielyn dela Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.