Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BGC ginimbal ng pagsabog

0 140

Sumiklab ang sunog sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City kagabi kasunod ng gas explosion sa 21st Drive.

Sa inisyal na ulat mula sa Bureau of Fire Protection, itinaas ang sunog sa unang alarma alas-7:30, Miyerkoles ng gabi, na nagsimula sa isang construction site malapit sa Manila American Cemetery and Memorial sa BGC. Nag­karoon umano ng gas leak at doon na nagkasunog hanggang sa umugong ang pagsabog.

Kuwento ng mga residente na nag-post online, nakarinig sila ng malalakas na pagsabog mula sa pinagmulan ng sunog.

Sa mga video naman sa social media, makikita ang naglalagablab na apoy malapit sa nasabing construction site.

Hanggang sa sinusulat ito ay mabilis na kumakalat ang apoy.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ang naganap na sunog at inaalam pa ang danyos sa pagsabog ng tangke.

Wala ring ibang detalye tungkol sa bilang ng mga establisimiyentong nadamay at kung may nasawi o nasugatan ba sa insidente. (Kiko Cueto/Issa Santiago/Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.