Abante Tonite Interactive

B’Girls kinukunsidera sa Asiad

By
1,733

Kinukunsidera ang Philippine national women’s softball team, mas kilalang Blu Girls, para sa pambansang delegasyon sa 18th Asian Games 2018 sa Palembang at Jakarta sa Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2.

Inihayag kahapon ni Amateur Softball Association of the Philippines operations manager Ismael Veloso, na nakausap inaantay pa nila ang go signal ni Asiad chef de mission Richard Gomez.

“We have fully complied with the justification and just recently submitted all the needed documents,” sabi ni Veloso matapos makipag-usap kay Ormoc City Mayor at Philippine Amateur Fencing Association president Gomez.

Isa ang softball sa team sports na lehitimong nagkuwalipika para sa kada apat na taong palaro nang magwagi ng silver medal 11th Asian Softball Cham­pionships noong Disyembre sa Taiwan.

Nakatakda munang sumabak ang Blu Girls ngayong taon sa World Cup sa California, Canadian Cup at sa World Championships sa Chiba, Japan bago mag-Asiad. (Lito Oredo)