Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BGYO patok sa online

0 38

Wala pang dalawang linggo mula nang i-release ng bagong P-Pop boy group na BGYO ang kanilang debut single sa ilalim ng Star Music na “The Light,” lumampas na ng 100,000 streams ito sa Spotify.

Hinihikayat ng awitin ng grupo ang kabataan na matutunang mahalin ang sarili, isang mensaheng mahalaga lalu na panahon ngayon.

Malakas ang suporta na nakukuha ng BGYO mula sa mga fan sa online. Ang music video ng “The Light” ay nakalikom na ng higit sa 1.2 million views sa YouTube at 460,000 views naman sa Facebook page nito.

SM food to go Banner Ad

Unang nakilala bilang SHA Boys, inilunsad ang BGYO noong Enero 29, kasabay ng paglunsad ng kanilang debut single at ng music video nito. Ilan sa mga papuri na nakuha ng grupong binubuo nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ay ang kanilang performance sa “It’s Showtime” and “ASAP Natin ‘To,” na nakalikom na rin ng highit sa isang milyong views.

Bukod sa bagong achievement ng grupo, trending na rin ngayon ang The Light Dance Challenge na isinasayaw ng mga netizen sa Tiktok.

Samantala, may inayos na Valentine’s Day Game Night ang Star Music para sa mga fans ng BGYO kung saan 10 sa kanila ang magkakaron ng pagkakataong makasama sa isang darating ng BGYO Zoom conference.

Leave A Reply

Your email address will not be published.