Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BI bawal sumawsaw sa Tik Tok

0 171

Pinagbawalan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga empleyadong mag-post ng mga video ng sarili na nagsasayaw, kumakanta at iba pang kilos habang nakasuot ang uniporme sa pamamagitan ng social networking service o tinatawag na Tiktok.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang pagbabawal ay upang mahigpit na maipatupad ang mga regulasyon ng bureau sa pagsusuot ng uniporme ng BI, na ang integridad ay dapat panatilihin sa lahat ng oras dahil kumakatawan ito sa institusyon ng serbisyo sa imigrasyon ng Pilipinas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

”Our policy on the wearing of the BI uniform is clear. As public servants and supposed model Filipinos, employees must proudly wear their uniform at all times, present a professional image to the public and observe proper decorum and good taste in all their actions while they are on duty,” sabi ni Morente.

Binalaan pa ni Morente na sa pamamagitan ng pagkuha ng naturang mga video sa kanilang sarili kapag nasa trabaho sila, nilalabag ng mga empleyado ang isang direktiba na nagbabawal sa paggamit ng mga mobile phone at iba pang mga elektronikong gadget habang sila ay nasa tungkulin, pati na rin ang patakaran ng social media ng Bureau. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.